Martes, Setyembre 15, 2015
10 mga pinakamauunlad na negosyante
- Ang Pampanga’s Best ni Lolita Hizon
- Ang Hapee Toothpaste ni Cecilio Pedro
- Ang Zest-O ni Alfredo Yao
- Ang National Bookstore ni Socorro Ramos
- Ang DMCI Construction Firm ni David Consuji
- Ang JG Summit Holdings ni John Gokongwei Jr.
- Ang Jollibee ni Tony Tan Cakitong
- Ang C&P Homes ni Manny Villar
- Ang Megaworld Corp. ni Andrew Tan
- Ang SM Prime Holdings ni Henry Sy
Biyernes, Setyembre 11, 2015
Mga salik na nakakaapekto sa SUPPLY
- TEKNOLOHIYA - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong kaalaman at kagamitan sa paglikha ng mga produkto.
3. SUBSIDY - ay tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa maliliit na negosyante at mga magsasaka upang paramihin ang kanilang produksyon at pataasin ang supply ng mga produkto.
4. KAGUSTUHAN - may iba't ibang gastusin ang nakapaloob ng paglikha ng mga produkto.
5. PANAHON AT KLIMA - ang supply ng produkto ay naaayon sa kalagayan ng panahon sa isang lugar, lalo na sa mga produktong agrikultural.
6. EKSPEKTASYON - dahil sa inaasahang sa pagtaas ng presyo sa darating na araw bunga ng mga pangyayari sa paligiran.
Batas ng Supply
Ang batas ng supply ay nagsasaad ng hang ang presyo ng produkto ay tumataas, marami ang handang ipagbili ng mga prodyuser.
- Kapag ang presyo ay bumaba, kakaunting produkto ang handang ipagbili ng mga prodyuser, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
SUPPLY FUNCTION
Sa pamamagitan ng Mathematical equation ay mailalarawan ang supply function. Ito ay ginagamitan ng dalawang variables, ang Qs bilang dependent variable at P bilang independent variable.
Halimbawa:
Qs = -300+60 P
Kung ang presyo ay naging 7.00, ang Qs ay magiging 100. Ihahalili ang presyong Php 7.00 sa P ng equation.
Qs = -300+60(7)
Qs = -300+420
Qs = 120
Sa ganitong sitwasyon ay umiiral sa isang takdang panahon na tanging ang presyo lamang ang salik na naapekto sa supply. Habang tumataas ang presyo ay tumataas din ang Qs, kaya ang P at Q ay may direktang relasyon.
SUPPLY CURVE
Ito ay tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng presyo at dami ng handang ipagbiling produkto ng mga prodyuser at tindera.
Tulad ng Demand curve, may dalawang axes ang graph, ang vertical at horizontal axes.
Ang presyo ay nasa vertical axis at Qs sa horizontal axis.
Halimbawa:
Lunes, Setyembre 7, 2015
SUPPLY
-Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa iba't ibang lebel ng presyo sa isang takdang panahon. Ang Pagnanais at kakayahan ng mga supplier ang batayan ng pagtatakda ng supply sa pamilihan. Kailangang sabay na umiiral ang mga katangiang ito upang masabi na may supply sa pamilihan.
- Katulad ng Demand, ang supply ay naaapektuhan din ng presyo.
- Ang presyo ang pangunahing salik na nakaiimpluwensya sa dami ng ipinagbibiling produkto o serbisyo, habang ang salik ay di-nagbabago.
- Ang ugnayan ng presyo at supply ay mailalarawan sa iba't ibang paraan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)