Lunes, Setyembre 7, 2015


SUPPLY

-Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa iba't ibang lebel ng presyo sa isang takdang panahon. Ang Pagnanais at kakayahan ng mga supplier ang batayan ng pagtatakda ng supply sa pamilihan. Kailangang sabay na umiiral ang mga katangiang ito upang masabi na may supply sa pamilihan.
  • Katulad ng Demand, ang supply ay naaapektuhan din ng presyo. 
  • Ang presyo ang pangunahing salik na nakaiimpluwensya sa dami ng ipinagbibiling produkto o serbisyo, habang ang salik ay di-nagbabago.
  • Ang ugnayan ng presyo at supply ay mailalarawan sa iba't ibang paraan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento