- Ang Pampanga’s Best ni Lolita Hizon
Sa nakaraang 39 na taon, ang Pampanga’s Best ang nangunguna sa
pagbebenta ng tocino at iba pang produktong gawa sa karne.
- Ang Hapee Toothpaste ni Cecilio Pedro
Bilang ang mga Pilipinong nakagawa ng panlinis ng ngipin na kilala sa
buong mundo, Si Cecilio Pedro ang sinasabing isa sa mga matagumpay na
negosyante sa Pilipinas. Ang kanyang pagiging malikhain sa paggawa ng
panlinis ng ngipin ang naging susi sa kanyang pagiging maunlad.
- Ang Zest-O ni Alfredo Yao
Sinong batang Pilipino ang hindi nagustuhan ang juice na nasa pakete?
Ang paglalagay ng juice sa pakete ay naisip ni Alfredo Yao noong 1980.
Nagsimula siya sa interes niya sa negosyo ng pagpapakete hanggang naisip
niya ang pagpapakete ng juice na hindi naisip ng kaniyang mga kalabang
kompanya kaya siya ay umunlad.
- Ang National Bookstore ni Socorro Ramos
Nagsimula ang National Bookstore sa isang barong-barong ng pamilyang
Ramos pagkatapos ng pananakop ng mga Hapon sa Maynila. Pagkatapos noon
nagsimula nang magtayo ng mga gusaling tindahan ng mga libro hanggang
sila ay maging kilala. Sa ganitong paraan nagsimula ang National
Bookstore.
- Ang DMCI Construction Firm ni David Consuji
Si David Consuji ay ang namamahala sa pinakamalaking kumpanya sa
pagkokonstruksyon sa bansa na gumagawa ng mga poduktong konkreto at mga
gawaing elektrikal. Ang DCMCI Holdings Inc. ay abala rin sa paggawa ng
mga konstruksyon, pangangasiwa at pamumuhunan ng mga power plant.
- Ang JG Summit Holdings ni John Gokongwei Jr.
Dahil sa kita niyang 680 milyong dolyar noong 2008, masasabi mo kung
gaano kadisiplina at nakatutok si Gokongwei sa kanyang layunin. Ang
kanyang mga ari-arian ay umaabot mula sa serbisyo sa pananalapi, kemikal
na galing sa petrolyo, pagpapalipad ng eroplano tulad ng Cebu Pacific
Air, telekomunikasyon tulad ng Digital Communications Philippines,
pagpapalaki ng mga baboy, tulad ng Universal Robina Corporation, at ang
kanyang pagnenegosyo sa lupa ito katulad ng Robinson’s Land.
- Ang Jollibee ni Tony Tan Cakitong
Noong 1975, napagpasyahan ni Tony at ng kanyang mga kapatid na lalaki
na magtayo ng isang ice cream parlor hanggang ito’y lumago at nabuo ang
pinakamalaking kainan sa bansa ito ang Jollibee.
- Ang C&P Homes ni Manny Villar
Ito’y isang istorya ng isang batang mahirap na taga-Tondo na yumaman
dahil sa matiyagang pagtratrabaho. Siya’y nagsimula sa capital na 10,00
pesos na gagamitin sa pagpapatayo ng isang maliit na negosyong
pangtransaksyon na kinalaunan ay lumaki at naging isang malawakang
proyektong pabahay.
- Ang Megaworld Corp. ni Andrew Tan
Ang Finance Asia o kilala bilang Megaworld Corp. ay nakilala na
pinakamaayos na kumpanya sa bansa noong 2006 at dahil iyon sa mahusay na
pamamahala ni Andrew Tan. Siya rin ang may-ari ng Emperador Distillers
Incorporation at ng Golden Arches Development Corp.
- Ang SM Prime Holdings ni Henry Sy
Ang pinakamayamang tao sa bansa na may kitang humigit kumulang 1.4 na
bilyong dolyar noong 2008 ay ang may-ari ng pang-anim sa pinakamalaking
pampublikong pasyalan sa mundo, ito ang SM Mall Of Asia. Hawak niya rin
ang pinakanangungunang banko sa bansa ang Banco de Oro at China Banking
Corporation. Siya rin ang kinikilalang pinaka maunlad na negosyante sa
taong 2008 dahil sa paglaki ng kita ng mga bangko at SM Malls na kanyang
pagmamay-ari.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento